Mabigat na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa 'Apoy sa Langit,' pinuri ng mga manonood
Muling tinutukan ang mabigat na eksena nina Zoren Legaspi at Lianne Valentin sa Apoy sa Langit.
Nitong August 30 ipinakita sa GMA Afternoon Prime drama na muling sinaktan ni Cesar (Zoren) si Stella (Lianne) dahil sa hindi niya mabigay ang hinihinging pera.
Ayon sa mga netizens, kitang kita ang husay at dedikasyon ng dalawa sa pagganap sa eksena. Marami ring nadala sa emosyonal na tagpong ito.
Saad ng isang netizen, "Galing talaga ni Stella at Cesar. The best."
Komento ng isang netizen sa YouTube, "Magaling na actor talaga si Zoren idol."
Mula sa pagkainis kay Stella, marami namang naaawa na sa karakter na ginagampanan ni Lianne.
"Naawa ako Kay stella bulag lang siya sa pag-ibig."
SAMANTALA, BALIKAN ANG IBA PANG MGA MAHUHUSAY NA CAST NG APOY SA LANGIT: