Labinlimang taon na ang nakararaan, ang Safe Haven Home for Unwed Mothers ang naging pansamantalang tahanan ni Maggie matapos siyang itakwil ng mga magulang nang siya'y magdalantao. Dito isinilang ni Maggie ang kaisa-isang anak na babae at apo nina Don Xernan at Doña Carmela Monteclaro, at ipinangalan niya ang sanggol sa pamagat ng paboritong libro ni Doña Carmela - ang Anna Karenina.
Sa kasalukuyan, nais na ng mga Monteclarong mabuo muli ang kanilang pamilya. Subalit, hindi na nila alam kung nasaan ang nawawalang si Maggie. Ang tangi nilang pag-asa ay ang matagpuan ang apong 'di pa nila nakikilala.
Matapos ang isang malawakang paghahanap, tatlong dalagita ang magpapakilalang sila ang nawawalang apo, subalit sino nga ba sa kanila ang tunay na tagapagmana - ang tunay na Anna Karenina?

Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.