Amazing Earth: Chef Lau Laudico's outdoor cooking challenge
Isang outdoor cooking technique ang ipinakita ni Chef Lau Laudico sa pagbisita sa Amazing Earth.
Sa episode noong December 11, humarap si Chef Lau sa isang outdoor cooking challenge at naghanda ng Bistek Bato. Ito ay dahil sa nagluto ang rockstar chef gamit ang bato sa Wawa Dam, Rodriguez, Rizal.
Bukod sa pagtikim ni Dingdong Dantes ng masarap na dish na inihanda ni Chef Lau, napanood din ang kuwento niya tungkol sa Higantes Festival ng Angono, Rizal. Balikan ang kanyang kuwento rito.
Patuloy na subaybayan ang Amazing Earth tuwing Linggo sa GMA Network.
Maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.