Amazing Earth
TV

Kilalanin ang Cambodia's Hero Rat sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Alamin ang kuwento ni Dingdong Dantes tungkol sa Hero Rat ng Cambodia sa 'Amazing Earth' ngayong November 27.

Isang exciting na kuwento mula sa matalino at kinikilalang "hero rat" ang mapapanood ngayong November 27 sa Amazing Earth.

Sa Linggong ito, ibabahagi ni Dingdong Dantes ang Cambodia's Hero Rat na si “Magawa”. Ang dagang ito ay ang nakapagligtas ng libo-libong buhay dahil sa nakakapag-detect ito ng land mines sa Siem Reap.

Ang global non-profit organization na APOPO na nag-train kay Magawa ay nagte-train rin ng iba pang mga daga para ma-detect ang tuberculosis. Samantala, kilalanin natin ang mga Pinoy na nag-aalaga ng wild rats bilang pets.

Abangan din ang mga kuwento mula sa BBC nature-documentary, “Spy in the Wild: Mischief,” para sa mga kuwento ng iba't ibang misbehaving animals.

Huwag magpapahuli sa Linggo na puno ng adventure sa Amazing Earth, 5:20 p.m. sa GMA Network.

Maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURES NI DINGDONG DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.