
Isang Pinoy nurse ay kilala ngayon sa kaniyang produkto na coconut-based wound patch na mabisang pangpagaling ng mga sugat.
Sa episode ng Amazing Earth nitong July 11, napanood ang Pinoy nurse at ang creator ng Cocopatch na si Denver Chicano, R.N.
Nakausap ng Amazing Earth host na si Dingdong Dantes si Denver para alamin ang mga detalye sa produktong ito. Napag-usapan rin nina Dingdong at Denver ang magiging tulong ng coconut-based wound patch ni Denver sa paggagamot ng iba't ibang klase ng sugat.
Photo source: Amazing Earth
Napanood rin sa episode na ito ang kuwento ni DOST Undersecretary and Officer in Charge ng PHIVOLCS na si Dr. Renato U. Solidum, Jr. nang nasubukan niya ang coconut-based wound patch bilang paggamot sa nasunog niyang balat dahil sa isang pagsabog.
Undersecretary, DOST and Officer in Charge, PHIVOLCS Dr. Renato U. Solidum, Jr. in Amazing Earth / Photo source: Amazing Earth
Panoorin ang kabuuang episode na ito ng Amazing Earth.
RELATED CONTENT:
Amazing Earth: Red sea in Ozamiz City?