What's on TV

Dingdong Dantes, ibinahagi ang mga natutunan sa unang taon ng 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published June 20, 2019 3:20 PM PHT
Updated June 20, 2019 3:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong June 23, ise-celebrate na ng 'Amazing Earth' ang kanilang unang anniversary.

Ngayong June 23, ise-celebrate na ng Amazing Earth ang kanilang unang anniversary.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes


Sa isang taon ni Dingdong Dantes na nagbabahagi ng makabuluhang kuwento tungkol sa mga hayop at kalikasan ay marami na raw siyang natutunan.

Isa sa kanyang ginagawa sa programa ay ang pagbisita sa ilang magagandang lugar na tinatawag na protected areas sa bansa. Dahil sa segment na ito ay nadiskubre ni Dingdong ang mga lugar na dapat bigyang halaga ng mga Pilipino.

"'Yung mga pinupuntahan kasi namin hindi siya yung mga normal o regular na tourist spots na nababalitaan natin. Halimbawa sabihin mong Rizal, Hinulugang Taktak 'di ba 'yung mga ganon? 'Yung pinupuntahan namin mostly 'yung mga protected areas. Yung mga kasulok-sulokan na hindi natin akalaing nandoon pero napakaganda. Napakaganda talaga."

Sa Amazing Earth, hindi lang ang mga manonood ang lumalawak ang kaalaman. Sa programang ito ay pinalad din si Dingdong na matuto habang umiikot sa mga magagandang bahagi ng bansa.

"'Yung discoveries na ganun linggo-linggo 'di ba parang nakakatuwa dahil kahit na may iba akong ginagawa sa TV, naba-value ko ito dahil educational siya at the same time na-e-enjoy ko. Parang nagbabakasyon ako every week eh."

Panoorin ang anniversary special ni Dingdong sa Amazing Earth ngayong June 23, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.