
Ngayong April 28, tutuklasin ni Dingdong Dantes ang kuwento ng Antarctica.
Sa Amazing Earth story ngayong Linggo ay naman natin sisiyasatin ang Antarctica. Si Dingdong ang magiging guide natin para tuklasin ang mga nabubuhay sa ilalim ng karagatan.
Ang Kapuso teen actress naman na si Angel Guardian ay bibisita sa Morong, Bataan para silipin ang Pawikan Conservation Center. Ang Amazing Earth hero naman na si Emerson Sy ay ibabahagi ang kanyang kaalaman tungkol sa masamang epekto ng illegal wildlife trade.
Abangan ang lahat ng ito sa Amazing Earth ngayong Linggo, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.