Sienna Stevens, naka-bonding si Dingdong Dantes sa 'Amazing Earth'

Excited na excited si Sienna Stevens sa pag-guest sa Amazing Earth dahil nakasama niya muli ang kaniyang "Daddy D" na si Dingdong Dantes.
Sina Dingdong at Sienna ay gumanap bilang mag-ama na sina Lizzie at Napoy sa murder mystery drama series na Royal Blood.
Saad ng half Filipina and half New Zealander child star sa kaniyang pagbisita sa Amazing Earth, "Masaya kasi nakasama ko si Daddy D ulit."
Ngayong December 20, mapapanood ang pag-team up sa Amazing Earth nina Dingdong at Sienna para i-spread ang magic of Christmas.
Ayon pa kay Sienna, ang hiling niya ay makatrabaho muli ang kaniyang ama sa Royal Blood na si Dingdong.
"Sana maka-work po kita ulit, Daddy D."
Samantala, narito ang ilan sa mga eksenang dapat abangan mula sa taping ni Sienna sa Amazing Earth:






