What's on TV

Sandy Riccio, sasabak sa clean-up drive sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published March 20, 2025 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Magpapatuloy ang special limited series ng 'Amazing Earth' na "Amazing Earth In The City" ngayong March 21.

Sa episode ngayong Biyernes, tampok ang pagbabahagi ni Dingdong Dantes ng mga bagong kuwento na dapat abangan.

Isa sa mapapanood ngayong Biyernes ay ang Sparkle artist at lifestyle and beauty vlogger na si Sandy Riccio. Ibabahagi niya ang kaniyang pagiging beach lover at pagtulong sa pamamagitan ng clean-up drive sa Balayan Bay sa Batangas. Susundan pa ito ng scuba diving adventures ni Sandy at kaniyang beach activities kasama ang mga kaibigan.


Kaabang-abang din ang kuwentong Kapuso Primetime King na si Dingdong mula sa nature-docu series na “Alien Abyss.” Tampok pa sa Amazing Earth In The City ngayong Biyernes ang historical tidbits na hatid ni Dingdong mula sa MiraNila Heritage House and Library sa Quezon City.

Abangan ang bagong episode ng special limited series ng Amazing Earth na "Amazing Earth In The City" tuwing Biyernes, 9:25 p.m. pagkatapos ng Mga Batang Riles sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa Kapuso Stream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA AMAZING ADVENTURE NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: