GMA Logo Amazing Earth
What's on TV

Unang bahagi ng 6th anniversary special ng Amazing Earth, mapapanood na sa June 28

By Maine Aquino
Published June 27, 2024 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Amazing Earth


Samahan si Dingdong Dantes sa 6th anniversary special ng 'Amazing Earth!'

Ngayong June 28, samahan si Dingdong Dantes sa bago at extreme na unang episode ng 6th anniversary ng Amazing Earth.

Sa Biyernes, mapapanood na ang unang bahagi ng three-part 6th anniversary special ng Amazing Earth. Makakasama ni Dingdong sa episode na ito si Miss Earth-Air 2023 Yllana Marie Aduana.

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Tampok ang kaniyang pagsabak sa challenge sa Zipline by the Sea sa Quezon Island at 12-foot-plunge Cliff Jumping sa Marcos Island.

Mapapanood din sa anniversary special ng Amazing Earth si Angelique Songco o "Mama Ranger." Siya ay ang enthusiastic leader ng Tubbataha Marine Park Rangers of Palawan. Alamin ang kanilang paraan sa pag-preserve ng UNESCO World Heritage Site.

Saksihan din sa Biyernes ang narration ni Dingdong sa bagong chapter ng nature documentary na Africa's Deadliest.

Let's celebrate our one planet, wild adventures, and extraordinary stories sa Amazing Earth! Abangan ang unang bahagi ng 6th anniversary ng Amazing Earth ngayong Biyernes (June 28), 9:35 p.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.