What's on TV

Shuvee Etrata, may nature trip sa 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Published August 24, 2023 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News

Dingdong Dantes and Shuvee Etrata


Abangan ang amazing na mga kuwento ni Dingdong Dantes at nature trip ni Shuvee Etrata sa 'Amazing Earth'.

Ang Sparkle artist at kilalang Island Girl sa social media na si Shuvee Etrata ay ang makakasama ni Dingdong Dantes ngayong August 25 sa Amazing Earth.

Sa Biyernes, ibabahagi ni Shuvee ang kaniyang nature tips sa Amadeo, Cavite. Kaabang-abang din sa episode na ito ang cliff diving challenge na kaniyang haharapin.

Mapapanood din sa Amazing Earth ang kuwento ni Dingdong tungkol sa Antarctica's Taylor Glacier at ang feature nitong Blood Falls.

Tampok pa sa Biyernes ang mga kuwentong handog ni Dingdong mula sa nature documentary series na “Africa's Deadliest: Lethal Strike.”

Saksihan ang mga kuwentong ito mula sa National Museum of Natural History in Manila sa Amazing Earth.

Tutukan ang Friday night habit na handog ng Amazing Earth, 9:35 pm sa GMA Network. Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.