dingdong dantes
TV

Dingdong Dantes, naging way of life ang 'Amazing Earth'

By Maine Aquino
Ngayong July 14, isi-celebrate na ni Dingdong Dantes ang ikalimang taon ng 'Amazing Earth'

Naging malaking bahagi na ng buhay ni Dingdong Dantes ang kaniyang infotainment show na Amazing Earth.

Ang Amazing Earth ay magsi-celebrate ng ika-limang anibersaryo ngayong July 14. Bukod sa inihanda nilang special episodes, mapapanood na rin ang Amazing Earth sa bago nitong schedule tuwing Biyernes, 9:35 p.m.

Kuwento ni Dingdong, sa ginanap na virtual media conference noong July 11, marami siyang natutunan sa pagho-host ng Amazing Earth.

"Si Amazing Earth ay naging way of life ko na siya hindi lang dahil five years ko na siyang ginagawa but it's really more of mga learnings na naibigay sa akin nito in the span of five years."

PHOTO SOURCE: Amazing Earth

Binalikan ng Kapuso Primetime King kung bakit itinuturing niyang milestone ang nakalipas na limang taon.

Ani Dingdong, "'Yung five years kasi na 'yun malaking milestone para sa akin not just as a performer and storyteller but also as a father and a husband. Kasi isipin mo, five years mas matanda pa siya sa bunso ko. Doon pa lang, after ng first child ko ang dami ko ng learnings din so napakalaking naitulong sa akin hindi lang ng Amazing Earth pero lahat ng nangyari sa period na ito."

Dahil rin sa Amazing Earth, naisapuso pa lalo ni Dingdong ang mga paraan sa pangangalaga sa kapaligiran.

"More importantly, it taught me how to be a more responsible citizen of this world by taking care of this amazing earth."

Abangan ang three-part Amazing Earth anniversary special simula ngayong July 14, 9:35 p.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.

SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.