Dingdong Dantes on celebrating the 5th anniversary of 'Amazing Earth': 'Imagine mo five years na pala'
Inilahad ni Dingdong Dantes ang kaniyang pakiramdam ngayong nasa ikalimang taon na ang kaniyang programang Amazing Earth.
Simula ngayong July 14, mapapanood na ang espesyal na 3-part 5th anniversary special ng Amazing Earth. Ito ay sa bago nitong timeslot na Biyernes, 9:35 p.m.
PHOTO SOURCE: Amazing Earth
Ikinuwento ito ni Dingdong sa ginanap na virtual media conference ng Amazing Earth noong Martes, July 11.
Pag-amin ng Kapuso Primetime King, "Hindi e. Hindi talaga namin ine-expect."
Ang Amazing Earth ay isa sa programang umaani ng mataas na rating sa Kapuso Network. Ngunit pag-amin ni Dingdong, nakaramdam sila noon ng pag-aalinlangan lalo na noong hinarap ng mundo ang COVID-19 pandemic.
Ani Dingdong, "Noong nag-umpisa kami sabi namin mag-ano kaya tayo, second season? Tapos nagka-second season. Tapos nagkaroon ng first year hanggang sa tumuloy tuloy."
Pagpapatuloy pa ng Amazing Earth host, "Malaking factor din 'yung pandemic kasi 'yun 'yung time na malalaman mo kung paano ka makakapag-adapt 'di ba sa ganitong klaseng sitwasyon. Luckily, the people behind Amazing Earth were able to think of ways to still tell these amazing stories despite our circumstance 'di ba? So ang galing dahil naitawid."
Sa ikalimang taon nilang paggawa ng Amazing Earth, fresh pa rin sa buong team ang bawat episode na kanilang ginagawa.
Kuwento ni Dingdong, "Right now, imagine mo five years na pala. Sa totoo lang hindi rin namin naramdaman na limang taon na."
"It always feels like day one whenever we are together on set dahil ganoon parati ka-fresh 'yung aming mga kuwento. Ganoon parati ka-fresh 'yung aming mga sarili dahil sa totoo lang gustong-gusto namin bumabiyahe sa mga malalayo. Pumunta sa Palawan, pumunta sa Zambales, pero ngayon sa mga malapitang lugar muna kami."
Abangan ang na 3-part Amazing Earth anniversary special simula ngayong July 14, 9:35 p.m. sa GMA Network.
Mapapanood din ang Amazing Earth via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa Facebook page at YouTube channel ng GMA Network at Amazing Earth PH.
SAMANTALA, BALIKAN ANG AMAZING PHOTOS NI DINGDONG DANTES SA AMAZING EARTH: