Take a journey back in time with Philippine TV’ first ever epic-serye. Marian Rivera stars as the titular hero, a strong-willed warrior embroiled in a world of prophecies, alliances, and stunning revelations.
Mula sa tradisyon ng pinakamalalaki at pinakamamahal na mga telefantasya. Inihahandog ng GMA ang pinakabagong obra maestra na mag-aangat sa antas ng dramang pantelebisyon. Ito ang kauna-unahan at nag-iisang epicserye sa bansa.
Ipinanganak si Amaya sa panahong ang mabagsik na si Rajah Mangubat ang naghahari sa kanilang puod. At bilang anak ni Datu Bugna, siya ay naging isang binukot - isang prinsesa na nakatago at hindi maaaring tumapak sa lupa. Ngunit si Amaya ay hindi isang pangkaraniwang prinsesa, dahil siya'y ipinanganak na may kakambal na ahas. isang lihim na itinago ng kanyang ama upang mailayo siya sa kapahamakan. Dahil kaakibat ng pagkakaroon niya ng kambal-ahas ay ang paghirang sa kanya ng tadhana bilang tagapagligtas ng kanilang banwa laban sa malupit at makapangyarihang si Rajah Mangubat.
Ngunit paano kung ang puso ni Amaya ay mabihag ni Bagani, ang anak at tagapagmana ng pinunong nakatakda niyang pabagsakin? Ang kanyang puso ba ang magiging pinakamahigpit niyang kalaban? Ano ang mananaig--ang nilaan ng tadhana o ang idinidikta ng kanyang puso? Ito ang kuwento ni Amaya, ang natatanging nilalang na susubukan ng pagkakataon at huhubugin ng panahon upang maging pinakamakapangyarihang babae sa kanyang panahon.
Get notified of the latest showbiz news from GMA Entertainment
No ThanksSubscribe
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.