

Huwag palalampasin ang Alyas Robin Hood sa darating na linggo dahil makikilala na ninyo sina Iris at Andres, ang characters nina Solenn Heussaff at Ruru Madrid.
WATCH: Solenn Heussaff, isa sa mga leading lady ni Dingdong Dantes sa 'Alyas Robin Hood'
Si Iris ay isang mayamang 'It Girl' na matututong ipagtanggol ang sarili laban sa masasama. Magkukrus ang landas nila ni Pepe (Dingdong Dantes) at posibleng guluhin ang relasyon nito kay Venus (Andrea Torres). Si Andres naman ay inaanak ni Emilio (Edu Manzano) na magiging inspirasyon si Alyas Robin Hood kaya magiging hangarin na rin niya ang tumulong sa iba.
Abangan sina Solenn at Ruru sa Alyas Robin Hood, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.