WATCH: Training ni Dingdong Dantes para sa 'Alyas Robin Hood,' walang makakatalo
Masisilayan na natin mamaya sa GMA Telebabad ang pinakahihintay na pagbabalik ng action-serye ng taon, ang Alyas Robin Hood, Book 2.
Puspusan na pinaghandaan ng stars ng show ang muling pagsabak nila sa high-rating primetime series na talagang inabangan mula nang i-release ito sa ere noong nakaraang taon.
Mula nang magwakas ang Alyas Robin Hood noong Pebrero, sumailalim ang cast ng show sa iba’t ibang training para sa kanilang preparasyon sa pagbabalik ng action-serye.
Si Venus na ginagampanan ni sexy leading lady Andrea Torres ay hindi huminto sa pag-eensayo mula nang matapos ang season one ng show.
“Lahat ng pwede kong gawin – Martial Arts, Boxing, Firing, Muay Thai. [Ito ay] para lang tama ‘yung form [ko at] para ‘pag ginawa ko ‘yung mga kailangan sa eksena, pagpinanood nila, totoong-totoo talaga,” saad ng aktres sa Unang Hirit.
Iba-iba naman ang workout ni Kapuso hunk Ruru Madrid mula Lunes hanggang Sabado, “[I work out] three hours a day. Nagpa-Parkour ako [tuwing] M-W-F, nag-a-Archery ako ng T-Th-S [at] nag-e-MMA din ako, boxing, Jiu-Jitsu [at] Muay Thai.”
Training Day! BEAST MODE ON??Coach @ghel_lerpido @nacinorocco
A post shared by Ruru??Madrid (@rurumadrid8) on
Ayon naman sa lead star ng serye na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, walang makakatalo sa kanyang workout.
A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on
Aniya, “Training ko [ay] nag-aalaga ng bata. Iyon ang pinaka-training ko kasi nagtatakbo na siya eh so ‘pag binitawan mo, kailangan mo na mag-sprint para habulin siya.”
Ipagpapatuloy na ni Pepe ang paghahanap ng hustisya sa Alyas Robin Hood, mamaya na sa GMA Telebabad, 7:45 p.m., pagkatapos ng 24 Oras.