
Excited na ang lahat sa pagsisimula ng panibagong season ng Alyas Robin Hood mamayang gabi, August 14. Pati ang lead star nitong si Primetime King Dingdong Dantes, hindi maitago ang kanyang excitement.
WATCH: Dingdong Dantes on 'Alyas Robin Hood:' "Twice of everything for this season"
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dong na talaga namang ipinagmamalaki niya ang hit primetime series.
"I am always grateful for this constant opportunity of being able to deliver entertainment in the homes of our Filipino viewers. This is our latest work-- which I am proud of-- and I want to share it with you. Swabe 'to," aniya sa caption, na may kasama pang hashtag na #ilovemyjob.
Abangang ang maaksyong pilot episode ng Alyas Robin Hood mamaya pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
WATCH: Alyas Robin Hood Teaser: Mga dapat abangan sa August 14