Full episodes ng first season ng 'Alyas Robin Hood,' mapapanood na sa GMANetwork.com
Para sa mga gustong balikan ang naunang kuwento ni Pepe bago magsimula ang bagong season ng Alyas Robin Hood, dumating na ang panahong pinakahihintay n'yo. Available na sa GMANetwork.com ang full episodes ng Season 1 ng naturang hit primetime series.
WATCH: Alyas Robin Hood Teaser: Ang pinakaswabe at astig na tagapagtanggol
Muling sariwain ang pakikipaglaban ni Pepe sa pagkamit ng katarungan para sa kanyang ama, ang kanyang pagtulong sa mga nangangailangan at ang kanyang makulay na love life. Mapapanood ang full episodes sa link na ito: http://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/alyas_robin_hood/videos/
Available na rin ang full episodes ng iba pang Kapuso teleseryes.