All Out Sundays
TV

First anniversary ng 'All-Out Sundays,' trending sa Twitter!

By Jansen Ramos
Updated On: January 31, 2021, 04:59 PM
Sinubaybayan ng mga manonood ang star-studded first anniversary celebration ng 'All-Out Sundays' ngayong January 31, 2021.

Ipinagdiwang ng GMA musical-comedy-variety show na All-Out Sundays ang kanilang first anniversary ngayong January 31, 2021, kaya naman espesyal ang naging pagtatanghal ng programa ngayong Linggo.

Nagsama-sama ang brightest Kapuso stars para sa biggest live all-out party on national television.

Sa katunayan, isa sa mga trending topic ang official hashtag ng All-Out Sundays na #AOSnumber1 sa Twitter.

All Out Sundays first anniversary episode trending on Twitter

Tingnan ang ilang tweets ng netizens dito:

Binuksan ang programa ni Asia's Multimedia Star Alden Richards kasama ang AyOs Barkada na sina Rayver Cruz, Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Kyline Alcantara, Ruru Madrid, Mavy Legaspi, Jeremiah Tiangco, Thea Astley, Kim de Leon, Shayne Sava, with Rodjun Cruz, Jeniffer Maravilla, Jennie Gabriel, and Rochelle Pangilinan.

Naki-party din ang cast ng current at upcoming Kapuso shows na sina Barbie Forteza ng Anak Ni Waray vs. Anak ni Biday, Jeric Gonzales at Klea Pineda ng Magkaagaw, Kristoffer Martin, Liezel Lopez, Dave Bornea, at Pauline Mendoza ng Babawiin Ko Ang Lahat, at Centerstage judge na si Pops Fernandez.

Bilang parte ng first anniversary ng All-Out Sundays, inilunsad ng programa ang bago nitong segment na 'All-Star Assembly' para sa all-out kantahan and biritan. Tampok dito ang premier and world class Pinoy singers na sina Mark, Aicelle, Jeremiah, Thea, Garrett, Bugoy Drilon, at Asia's Nightingale na si Lani Misalucha.

Hinarana naman ng Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang Kapuso viewers sa isang all-out concert performance kasama sina Markki Stroem and Nino Alejandro.

Pagdating naman sa sayawan, ang hottest dance icons na sina Rochelle, Miguel, Kyline, DJ Loonyo, Mannex Manhattan, Rodjun, and Rayver ang pambato ng All-Out Sundays sa dance floor.

Kung naaliw ang Kapuso viewers sa hataw ni Rayver, tiyak na kinilig din sila sa aktor kasama ang iba pang Kapuso leading men na sina Ruru, Miguel, Migo, at Jeric.

Samantala, inabangan din ang premier ng pinakabagong musical-comedy segment ng All-Out Sundays na "Eternal Flame" kung saan tampok sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Kim de Leon, Lexi Gonzales, Althea Ablan, Denise Barbacena, Donita Nose, Philip Lazaro and Glaiza de Castro.

Patuloy na subaybayan ang All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali sa GMA-7.

Balikan ang ilang larawan ng All-Out Sundays barkada nang magsimula ang programa noong January 2020:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.