Kakai Bautista, proud matapos manalo sa ratings ang 'All-Out Sundays' laban sa katapat nitong programa
All-out ang saya ng comedienne/broadway star Kakai Bautista sa mainit na pagtanggap ng televiewers sa pinakabago nilang musical variety show na All-Out Sundays (AOS).
LOOK: Netizens praise the pilot episode of 'All-Out Sundays'
LOOK: Scenes from the first 'All-Out Sundays' episode
Tao-puso ang pasasalamat ni Kakai nang malaman nito na wagi sa ratings ang pilot episode ng AOS kahapon, January 5.
Sa kanyang Instagram Story, sinabi nito na sulit daw ang pagod na pinagdaanan nilang lahat sa show lalo na nang mabasa niya ang positive reviews ng mga tao.
Aniya, “Tired but really grateful. Salamat po sa lahat ng nag-message at nanuod ng Pilot episode ng #ALLoutsundays.”
Kasama ni Kakai ang ilan sa pinakasikat na GMA-7 stars sa All-Out Sundays tulad nina Alden Richards, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Mark Bautista, Aicelle Santos, Golden Cañedo, Garrett Bolden, Jong Madaliday, at Rayver Cruz.
Kasama rin sina Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Barbie Forteza, Miguel Tanfelix, Migo Adecer, Cassy and Mavy Legaspi, Arra San Agustin, Rita Daniela, Ken Chan, Boobay, Tekla , Donita Nose, Kim De Leon, Shayne Sava, at Jeremiah Tiangco.