Alamat: Pagsubok sa pagkakaibigan ng langgam at ng tipaklong
Ngayong 2020, muling ipinapalabas ang first local animated anthology series na Alamat.
Sa makasaysayan nitong pangatlong pagtatanghal, natunghayan kung paano nasubok ang pagkakaibigan nina Larry Laggam at Tony Tipaklong.
Kapag gipit, takbuhan lagi ni Tony Tipaklong ang kanyang best friend na si Larry Langgam.
Dahil laging nabibigay ang gusto, nasanay ang tamad na tipaklong na parating humingi ng tulong sa masipag na langgam.
Isang araw, tinuruan ng leksyon si Tony Tipaklong ng kalikasan matapos bumagyo nang malakas.
Sinagip ng tipaklong ang mga anak ni Larry Langgam na sina Lala at Lemuel bilang pagtanaw ng utang na loob sa kanyang kaibigan.
Alalang-alala si Larry Langgam kay Tony Tipaklong matapos itong muntikang malunod sa baha kaya minabuti niyang patuluyin muna ito sa kanyang bahay.
Ngunit, sa unang pagkakataon, tumanggi ang noo'y tamad na tipaklong dahil natuto siyang kumilos sa sarili at humanap nang pagkain at matitirhan.
Ang mga karakter nina Larry Langgam at Tony Tipaklong ay binosesan nina Tonipet Gaba at Betong Sumaya. Samantalang ang dating child actors na sina Milkah Nacion at Joshua Uy ang nagbigay ng boses kina Lala at Lemuel.
Patuloy na subaybayan ang Alamat tuwing Lunes at Martes, 8:25 a.m., bago mag-Mars Pa More.
Kung ma-miss n'yo man ang episode, maaaring mapanood ang aired full episodes ng 2015 series sa GMANetwork.com at GMA Network app.