Jessica Villarubin and Garrett Bolden
TV

Jessica Villarubin at Garrett Bolden, tampok sa OST ng 'Agimat ng Agila'

By Bianca Geli
Updated On: June 17, 2021, 04:54 PM
Pakinggan ang "Agimat ng Agila" nina Jessica Villarubin at Garrett Bolden.

Patuloy ang pamamayagpag ng The Clash season 3 grand champion na si Jessica Villarubin at ng The Clash graduate na si Garrett Bolden. Ang dalawang Kapuso singers ang boses sa likod ng soundtrack ng action-adventure series na Agimat ng Agila.

Pahayag ni Jessica sa GMA Network, malaking karangalan sa kanya ang mapabilang sa soundtrack ng mga Kapuso shows. "Actually, pangarap ko talaga 'yan dati kasi, and ngayon na naririnig ko na 'yung boses ko, parang sobrang proud ako sa sarili ko na parang ang layo nang narating ko."

"Kasi dati nga nanonood lang ako ng TV, ganun, pero ngayon, ako na talaga 'yung kumakanta ng isang teleserye [theme song]. So, I'm very happy and grateful po."

Si Jessica rin ang boses sa “Walang Hanggan,” isa sa theme songs ng upcoming GMA Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na pagbibidahan nina Glaiza De Castro at Rayver Cruz.

Pakinggan ang "Agimat ng Agila" dito:

Patuloy na panoorin sa Agimat ng Agila tuwing Sabado, 7:15 PM, sa GMA-7.

Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood rin ang Agimat ng Agila sa GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.