Agimat ng Agila: Ang 'di inaasahang pagkikita
Sa nakaraang kabanta ng Agimat ng Agila, nagtagpo sa unang pagkakataon sina Gabriel (Bong Revilla) at Maya (Sanya Lopez) sa hindi inaasahang paraan.
Dahil magaan ang loob ni Nanay Berta (Elizabeth Oropesa) kay Gabriel, patutuluyin niya ito sa kanyang tahanan para magtago matapos malaman na pinaghahanap siya ng awtoridad dahil sa maling pagbibintang.
Gayunpaman, hindi agad magtitiwala si Maya kay Gabriel at mabubuo ang tensyon sa dalawa.
Determinado naman si Gabriel na makuha ang loob ni Maya.
May pag-asa pa kayang makasundo ni Gabriel si Maya sa kabila ng kanilang hindi magandang unang pagkikita?
Balikan ang mga tagpong ito sa Agimat ng Agila: