Photo Source: jillian (Instagram)
TV

Jillian Ward teases big guest star in 'Abot-Kamay na Pangarap'

By Marah Ruiz
Excited si Jillian Ward sa guesting ng isang malaking artistang hinahangaan niya sa 'Abot-Kamay na Pangarap.'

Isang malaking guest star daw ang dapat abangan sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Ayon 'yan sa bida nitong si Kapuso actress at Sparkle star Jillian Ward.

"Isa po sa pinakamagagaling so sobrang saya ko po dahil pinagkatiwalaan din po niya kami na pumasok po sa show namin. Na-e-excite po talaga ko sa mga mangyayari," payahag ni Jillian.

Bukod dito, may malaking pagbabago rin daw na mapapansin sa karakter niyang si Analyn na magiging mas palaban sa sa susunod na mga episodes.

"Na-realize po niya, ipaglalaban ko 'to. Pinagsisipagan 'to ni Analyn at ipaglalaban niya po 'yung nanay niya at 'yung karapatan din po niya," paliwanag ng aktres.

Samantala, patuloy siyang very grateful sa professional at personal relationship niya sa co-star na si Carmina Villarroel na gumaganap bilang nanay niya sa show.

Nag-bonding pa ang dalawa sa isang shopping trip kung saan ibinili ni Carmina is Jillian ng sapatos mula sa isang luxury brand bilang regalo sa kaarawan nito.

"Nalaman po niya na mahilig po ako sa shoes. Sabi niya po, hindi daw po siya a-attend ng birthday party ko kung wala daw po siyang regalo sa akin. Grabe, sobrang bait po ni 'Nay Mina kasi hindi lang po 'yung effort sa regalo, 'yung effort din po sa time niya at inalala niya po kung ano ba talaga 'yung gusto ko kaya mahal na mahal ko po siya," lahat ni Jillian.


Ngayong 18 years old na si Jillian, hindi naman daw siya nagmamadali na magkaroon ng love life.

"Sa ngayon po, hindi ko pa po siya naiisip. Parang si Analyn lang po, hindi niya pa po naiisip 'yung love life niya. Sa ngayon po gusto ko muna mag-focus sa sarili ko, sa family and friends ko and sa trabaho ko din po. Darating naman po 'yan sa tamang panahon," aniya.

Panoorin ang buong panayam ni Jillian Ward sa 24 Oras sa video sa itaas.

SILIPIN ANG STAR-STUDDED 18TH BIRTHDAY CELEBRATION NI JILLIAN WARD DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.