Pinky Amador and Richard Yap
TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Moira, the wicked wife of Doc RJ Tanyag

By EJ Chua
Asawa ni Doc RJ na si Moira, wala ng konsensya!

Sa pagpapatuloy ng hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap, mas tumitindi na ang kasamaan ni Moira Tanyag (Pinky Amador).

Dahil alam na ng kaniyang asawa na si Doc RJ (Richard Yap) na hindi niya tunay na anak si Zoey (Kazel Kinouchi), pilit na pinipigilan ni Moira na malaman ito ng kaniyang anak.

Kasunod nito, nagkaroon ng pagtatalo si Doc RJ at Moira sa fire exit ng isang restaurant hanggang sa mahulog ang una dahil itinulak siya ng huli.

Nang mangyari ang aksidente, agad na kumilos si Moira upang itago ang ilang ebidensya tungkol sa nangyari.

Kinuha niya ang laptop na naglalaman ng CCTV footage, kung saan kitang-kita na siya ang may kagagawan sa nangyari kay Doc RJ.

Nang malaman ni Lyneth (Carmina Villarroel) ang nangyari kay Doc RJ, tila may kakaibang kutob siya sa nangyari.

Naniniwala siyang may kagagawan si Moira sa nangyari kay Doc RJ.

Dahil sa kaniyang mga naiisip, nagpatulong siya sa kaniyang mga kaibigan upang humanap ng mga posibleng patunay na sangkot ang wicked wife ng doktor sa krimen.

Nalaman nila na nawawala ang laptop na nasa restaurant at nakita ni Josa (Wilma Doesnt) na nasa bag ito ni Moira.

Mapapatunayan kaya ni Lyneth na si Moira ang tumulak kay Doc RJ?

Panoorin ang video sa ibaba:

Sabay-sabay nating abangan ang iba pang mga pasabog na eksena sa trending na series na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG NAG-VIRAL NA EKSENA NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.