'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers, nag-react sa pag-amin ni Doc RJ kay Analyn
Patuloy na bumubuhos ang suporta ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers sa naturang hit afternoon drama series na pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Sa paganda nang pagandang kuwento nito, unti-unti nang nabubunyag ang mga sikreto ng mga karakter na napapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa episode na ipinalabas noong nakaraang Sabado, February 4, napanood kung paano inamin ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) kay Analyn Santos (Jillian Ward) na siya ang tunay na ama nito.
Sa gitna ng pagtatalo tungkol sa naging problema ng dalawang doktor, gusto ni Analyn na habulin ni Doc RJ si Zoey (Kazel Kinouchi) upang magkaayos silang mag-ama.
Sinabi ni Analyn sa APEX medical director na si Doc RJ na dapat nitong unahin ang kaniyang anak na si Zoey at pabayaan na lamang siya na umalis sa ospital.
Kasunod nito ay nagpaliwanag si Doc RJ at hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili na sabihin ang katotohanan sa young at genius doctor.
Ang mga nabanggit na eksena ay talaga namang sinubaybayan ng mga manonood at fans ng mga aktor sa serye.
Ilang manonood ang hindi napigilang magbigay ng kani-kanilang reaksyon sa mga matitinding eksena na mabilis na nag-trending sa social media.
Ang viewers na sina Marlone Durol Ilustre at Kate Musim, naiyak daw sa eksena nina Doc RJ at Analyn.
Ayon sa viewer na si Arcelie Tapar, sa wakas daw ay naging matapang na si Doc RJ sa pag-amin kay Analyn.
Sabi naman ng fan ng serye na si Marimar, “Kaloka ganda ng story, extend pa more 'wag muna tapusin.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 3 million views sa Facebook ang video kung saan mapapanood ang pagtatapat ni Doc RJ.
Samantala, panoorin sa video sa ibaba ang naturang eksena:
Silipin sa video na ito ang ilang eksenang mapapanood ngayong Lunes:
Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: