GMA Logo Carmina Villarroel and Dexter Doria
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Aling Susan knows the truth!

By EJ Chua
Published February 3, 2023 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taylor Swift named to Songwriters Hall of Fame, second-youngest ever
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Dexter Doria


Ano kaya ang gagawin ni Aling Susan ngayong alam na niya kung sino ang tunay na ama ni Analyn?

Unti-unti nang nabubunyag ang mga sikreto sa GMA inspirational-medical series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Matapos maganap ang sorpresa ni Zoey (Kazel Kinouchi) at ng kaniyang mga kasabwat sa genius doctor na si Analyn (Jillian Ward), nagkasunud-sunod na ang hindi inaasahang mga pangyayari.

Habang nasa party ay nag-away sina Zoey at Analyn dahil alam na ng una na nagsinungaling sa kaniya ang batang doktor tungkol sa naging date nila ni Luke (Andre Paras).

Dahil dito, agad na natapos ang event at tila nalungkot ang lahat sa nangyari.

Bago umuwi, narinig ni Aling Susan (Dexter Doria) sina Josa (Wilma Doesnt) at Cromwell (Ariel Villasanta) na nag-uusap tungkol sa tatay ni Analyn.

Nang marinig ni Aling Susan kay Josa na sinabi nitong nakasayaw ni Analyn ang kaniyang tunay na ama sa party, agad niyang tinanong ang mag-asawa kung may alam ba sila kung sino ang ama ng kaniyang apo.

Hindi nakasagot ang dalawa dahil natatakot silang sa kanila manggaling ang katotohanan.

Habang nag-uusap, biglang dumating si Lyneth at wala na siyang nagawa kundi aminin sa kaniyang madrasta na si Doc RJ ang tunay na ama ni Analyn.

Kasunod nito, nakiusap si Lyneth kay Aling Susan na huwag sabihin sa batang doktor ang tungkol sa kaniyang nalaman.

Nang magpunta si Aling Susan sa opisina ni Doc RJ, kinompronta niya ito tungkol sa pagpapabaya nito kay Analyn.

Binanggit pa niya na hanga raw ito kay Doc RJ bilang isang doktor pero hindi bilang isang ama.

Samantala, panoorin ang eksenang ito:

Huwag palampasin ang kapana-panabik na mga eksena sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood mamayang 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, TINGNAN ANG MOST MEMORABLE FATHER-DAUGHTER MOMENTS NINA DOC RJ AT ANALYN SA GALLERY SA IBABA: