Jeff Moses, nakakatanggap ng papuri mula sa viewers ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'
Isa sa mga aktor na sinusubaybayan ng mga Kapuso sa hit GMA inspirational-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ay si Jeff Moses.
Ang Sparkada member ay kasalukuyang napapanood bilang si Reagan Tibayan, ang janitor sa APEX Medical Hospital na nagkakagusto kay Dra. Analyn Santos, ang karakter na ginagampanan naman ni Jillian Ward sa serye.
Sa previous episodes ng serye, kinakiligan ang karakter ni Jeff na si Reagan dahil sa sweet moments nila ni Dra. Analyn (Jillian).
Isa na rito ang eksena kung saan muling ipinagtanggol ni Reagan ang genius at youngest doctor sa bansa laban sa bully doctor na si Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).
Habang nasa outing, to the rescue si Reagan nang marinig niyang inaapi na naman ni Dra. Zoey ang kaniyang crush na si Dra. Analyn.
Kasunod ng naturang eksena, patuloy na nakakatanggap ng papuri si Jeff mula sa mga manonood.
Narito ang ilan sa pahayag ng netizens tungkol kay Jeff:
Matatandaang sa talent portion ng katatapos lang na beauty pageant na Miss APEX 2022, si Reagan ang gitarista nang kumanta si Dra. Analyn.
Patuloy na subaybayan ang tambalan nina Jeff Moses at Jillian Ward sa no.1 GMA show online na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye dito.
SAMANTALA, KILALANIN ANG PINAKABAGONG LEADING MAN SA KAPUSO NETWORK NA SI JEFF MOSES SA GALLERY SA IBABA: