Netizens, patuloy pa ring hook na hook sa paganda nang pagandang istorya ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'
Mga Kapuso, road to billion views na ang Abot-Kamay Na Pangarap sa TikTok!
Bukod dito, patuloy na nagte-trending ang serye sa iba pang social media platform.
Sa katunayan nga, kamakailan lang ay inanunsyo ng programa na ang Abot-Kamay Na Pangarap ang No. 1 GMA show online.
Hindi maikakaila na marami ang patuloy na hook na hook sa paganda nang pagandang kuwento ng nasabing inspirational-medical drama series.
Ilang netizens ang patuloy na pinupuno ng positive comments ang ilang posts tungkol sa serye.
Ayon sa netizen na si Bep Lopez, “Hook na hook ako sa #AbotKamayNaPangarap… Ngayon lang ulit ako nag-abang ng ganitong drama [smile emoji].”
Sabi naman ni Jovito Magallanes, “We love talaga… inaabangan talaga namin ito every day, after Eat Bulaga. Congrats, ang ganda ng story at acting ng mga cast.”
Para naman sa netizen na si Violeta Mallapre, “My day is incomplete if I can't watch Dr. Analyn Santos. Go go go Dra.”
Ang 2022 hit Kapuso serye na ito ay pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Napapanood sila rito bilang mag-ina na sina Lyneth at Dra. Analyn Santos.
Bukod kina Carmina at Jillian, ilan din sa mga aktor na sinusubaybayan ng mga Kapuso sa serye ay sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Andre Paras, Kazel Kinouchi, Jeff Moses, Pinky Amador, Dexter Doria, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, Denise Barbacena, Alexandra Mendez, at marami pang iba.
Mula nang ipalabas sa GMA Afternoon Prime ang programa, tuluy-tuloy ang mainit na suportang natatanggap nito mula sa napakaraming mga manonood, mapa-telebisyon man o online.
Samantala, maaaring mapanood ang iba pang videos ng Kapuso serye sa official TikTok account ng GMA Network sa @gmanetwork.
Patuloy na subaybayan ang istorya ng Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Kung nabitin naman kayo sa inyong napanood na episode sa telebisyon o gusto ninyong balikan ang ilang mga eksena, maaaring i-extend ang inyong pagtutok at panonood.
Bisitahin lamang ang GMANetwork.com at panoorin ang video highlights at full episodes ng programa.
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: