Jillian Ward Richard Yap and Che Cosio
TV

Abot Kamay Na Pangarap: Analyn, napahanga si Dr. RJ Tanyag

By EJ Chua
Hanga rin ba kayo sa husay at talino ni Dra. Analyn Santos?

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Abot Kamay Na Pangarap, tila nakikita na ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap) ang husay at talino na taglay ng first year resident na si Dra. Analyn Santos (Jillian Ward).

Sa isa sa episodes ng inspirational-medical drama, akala ni Analyn ay tatanggalin na siya ni Dr. RJ sa trabaho dahil sa nangyari sa isang pasyente.

Nang kausapin siya nina Dr.Tanyag at Dra. Katie Enriquez, ang nasa isip niya ay ito na ang katapusan ng kaniyang pagiging doktor.

Walang kaalam-alam si Analyn na inoobserbahan lang siya ng kaniyang mga boss habang inaasikaso ang pasyente nilang nalagay ang buhay sa peligro.

Hindi man maayos ang pakikitungo sa kaniya ng ama ni Zoey, dahil sa ilang sitwasyon na nasosolusyunan ni Analyn ay tila nagbabago na ang tingin niya rito.

Tulad na lamang ni Dra. Enriquez na noong una ay walang tiwala sa batang doktor ngunit nang tulungan nito ang babaeng mayroong appendicitis, at matapos niyang makita na may mabuti itong puso, mas nakita niyang karapat-dapat na maging doktor si Analyn.

Kahit na minsan ay inaapi o minamaliit siya ng mga kasama niya sa APEX Medical Hospital, patuloy pa ring ginagawa ni Analyn ang kaniyang trabaho.

Sa katunayan nga, kahanga-hangang husay at katalinuhan ang ipinapamalas niya sa lahat ng kaniyang ginagawa.

Magkamali man siya o kung minsan ay nagiging pasaway, masaya si Analyn na nabibigyan siya ng pagkakataon na mapatunayan ang kaniyang mga kakayahan.

Panoorin ang episode na ito:

Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.