Jillian Ward, mapapanood na mamaya sa 'Abot Kamay Na Pangarap'
Ngayong nasa ikatlong linggo na ang GMA inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, oras na para makilala ng mga Kapuso ang bagong Analyn.
Matapos na bigyang buhay ng child star na si Heart Ramos ang karakter ni Analyn Santos, ang Kapuso teen star na si Jillian Ward ang magpapatuloy nito.
Sa kaniyang first appearance sa serye, mapapanood siya bilang isang masipag at matalinong estudyante sa isang medical school.
Dito ay magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan at muli niyang makakatagpo ang mga taong patuloy siyang mamaliitin, aapihin at kaiinggitan.
Isa na rito si Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), ang kapatid ni Analyn sa doktor na si Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).
Kasunod ng announcement na mapapanood na si Jillian sa programa, iniimbitahan namin kayong makipagkulitan mamayang 2 p.m. kina Heart Ramos at Jillian Ward LIVE sa Kapuso Stream ng Abot Kamay Na Pangarap.
Matatandaang ilang minuto lang matapos ang pilot episode na ipinalabas noong September 5, nag-trending sa social media ang bagong Kapuso serye.
Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: