'Abot Kamay Na Pangarap,' mapapanood na ngayong Setyembre
Dalawang linggo na lang, mapapanood na sa GMA Afternoon Prime ang bagong drama series na Abot Kamay Na Pangarap.
Makikilala na ng mga Kapuso ang mag-ina na sina Lyneth at Analyn, ang mga karakter na pagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Sa bagong serye na ito, tiyak na marami ang makaka-relate sa istorya ng mag-ina na hindi lang mamahalin ang isa't isa, kundi magtutulungan sa bawat hamon ng buhay.
Sa kabila ng kahirapan, para sa matalinong bata na si Analyn ay libre lang ang mangarap.
Kaya naman, bata pa lamang siya ay hawak na niya ang kaniyang pangarap na maging isang surgeon.
Si Lyneth naman, pangarap na makapagtapos ng pag-aaral dahil buong panahon ng kaniyang kabataan ay ibinuhos niya sa pagtatrabaho.
Anu-ano nga ba ang magiging susi upang makamit ng mag-ina ang kanilang mga pangarap sa buhay?
Sinu-sino nga ba ang mga hahadlang at tutulong kina Lyneth at Analyn habang nagsisikap silang mabuhay araw-araw upang maabot ang kanilang mga pinapangarap?
Abangan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood na sa ika-5 ng Setyembre, sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES SA PICTORIAL NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: