Hindi na mapipigilan ang patindi nang patinding mga eksena sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kasunod ng nangyari kay Doc RJ, labis na nag-aalala ang kaniyang mga anak na sina Analyn at Zoey (Jillian Ward and Kazel Kinouchi) sa kaniyang kalagayan.
Dahil sa pagkakatulak sa kaniya ni Moira (Pinky Amador), na-comatose ang doktor at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.
Makakaligtas pa kaya si Doc RJ?