Kasabay ng paganda nang pagandang kuwento ng hit GMA series na ‘Abot-Kamay Na Pangarap,’ mukhang nahuhulog na ang loob ni Doc Luke Antonio (Andre Paras) sa isa sa mga doktor sa APEX Medical Hospital.
Dahil matagal na panahong nawala si Dra. Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi), tila nagsimula nang mabaling sa iba ang atensyon ni Doc Luke.
Nang magkausap sila ni Doc Ken Prado (John Vic De Guzman), nahalata niya na tila in love ang kapwa niya doktor sa isa sa mga katrabaho nila sa ospital.
Sino kaya ang female doctor na nakabihag sa puso ni Doc Luke Antonio?
Paano na si Dra. Zoey?