Abot-Kamay Na Pangarap: Kilalanin at kilatisin ang mga manliligaw ni Doc Analyn
Sa award-winning medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' kilalang-kilala ng viewers nito ang napakaganda at pinakabatang doktor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.
Ang karakter ni Dra. Analyn ay ginagampanan ng Sparkle star na si Jillian Ward.
Sa serye, mayroong mga binata na sumubok manligaw at nagpapapansin sa batang doktor.
Sinu-sino kaya sila?
Tulungan natin si Doc Analyn sa pagkilatis ng kaniyang mga manliligaw sa gallery na ito.
Suitors
Kamakailan lang, napanood sa serye na nagkagulo sa Eastridge Medical Hospital nang sabay-sabay bumisita roon ang suitors ni Doc Analyn (Jillian Ward).
Reagan
Ang nasa larawan ay si Reagan, ang karakter ng Sparkle star na si Jeff Moses sa Abot-Kamay Na Pangarap.
First
Si Reagan ang unang naging kaibigan ni Doc Analyn nang magsimula siya magtrabaho sa APEX Medical Hospital.
Reagan vs Moira and Zoey
Si Reagan ang isa sa mga naging tagapagtanggol ni Doc Analyn sa salbaheng mag-ina na sina Moira at Zoey (Pinky Amador and Kazel Kinouchi).
Knight in shining armor
Tila knight in shining armor ni Doc Analyn si Reagan dahil lagi itong dumarating upang iligtas ang batang doktor sa anumang panganib.
Doc Carlos's son
Si Harry ay ang binatang anak ni Doc Carlos (Allen Dizon). Sa kaniya ibinilin ni Doc Carlos si Doc Analyn nang magpunta ito sa Amerika.
For Analyn
Si Harry ang tumulong kay Doc Analyn sa paghahanap nito sa kaniyang ama na si Doc RJ (Richard Yap) sa Amerika.
Harry vs Doc RJ
Noong ipinagtabuyan ni Doc RJ si Doc Analyn, ipinagtanggol ni Harry ang batang doktor sa una.
Miko
Siya naman si Miko, ang karakter ng rising actor na si Michael Sager sa trending na drama series.
Love at first sight
Unang kita palang noon ni Miko kay Doc Analyn, tila na-inlove na agad siya sa batang doktor.
Doc Analyn's beauty
Sa unang pag-uusap pa lang nina Miko at Doc Analyn, matapang na sinabi ng binata sa batang doktor na sobrang nagagandahan siya rito.
Miko's testimony
Isa si Miko sa mga nagbigay ng pahayag sa isang press conference para tulungan si Doc Analyn na linisin ang kaniyang reputasyon.
Suplado pero thoughtful?
Napapansin ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers na madalas sinusupladuhan ni Doc Lyndon si Doc Analyn, ngunit tila may iba itong kahulugan.
Doc Lyndon vs Doc Zoey
Hindi lang ipinapakita ni Doc Lyndon kay Doc Analyn ngunit madalas niyang ipinagtatanggol ang batang doktor laban kay Doc Zoey (Kazel Kinouchi).
Doc Analyn's heart
Sino kaya kina Reagan, Harry, Miko, at Doc Lyndon ang may pag-asa sa puso ni Doc Analyn? Abangan sa Abot-Kamay Na Pangarap!