Che Ramos-Cosio patuloy na minamahal ng viewers ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'
Ang karakter ni Che Ramos-Cosio bilang si Dra. Katie Enriquez ang isa sa mga sinusubaybayan ng mga manonood sa top-rating afternoon series ng GMA na Abot-Kamay Na Pangarap.
Patuloy na minamahal ng viewers si Che dahil na rin sa kaniyang karakter bilang isa sa mga doktor na naniniwala sa kakayahan ni Doc Analyn Santos, ang role na ginagampanan naman ng Sparkle star na si Jillian Ward.
Bago makilala ang aktres bilang isang istriktong doktor sa naturang medical series, lumabas at napanood na rin siya sa ilan pang television shows at mga pelikula.
Kilalanin pa si Che Cosio sa gallery na ito.
Entertainment
Taong 2004 nang magsimulang makilala si Che Ramos-Cosio sa mundo ng entertainment industry.
First film
Unang napanood si Che Ramos-Cosio sa pelikula ni Direk Laurice Guillen na 'Santa Santita.'
First lead role
Sa 2009 Philippine independent film na 'Mangatyanan' unang napanood si Che Cosio bilang isang bida.
Goyo: Ang Batang Heneral
Isa si Che Ramos-Cosio sa mga aktor na napanood sa Filipino film na 'Goyo: Ang Batang Heneral.'
Gaya Sa Pelikula
Noong 2020, napanood si Che Ramos-Cosio sa 2020 web series na 'Gaya Sa Pelikula,' kung saan nakatrabaho rin niya ang kaniyang asawa na si Chrome Prince Cosio.
Magpakailanman: My Mother is a Gambler
Noong 2015, napanood ang aktres sa isang episode ng drama anthology show na 'Magpakailanman.'
Powerdance
Sa isang panayam, ibinahagi ni Che Ramos-Cosio na dati siyang miyembro ng Powerdance ni Douglas Nierras.
Guam
Sa isa sa kaniyang vlogs, ibinahagi ni Che na noong kabataan niya ay nanirahan at nag-aral siya sa Guam.