Jillian Ward and Abot-Kamay Na Pangarap cast
TV

Palaban moments ni Analyn sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Patuloy ang pagsubaybay ng maraming Pinoy viewers sa award-winning GMA medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Ang serye ay pinagbibidahan ng Star of the New Gen na si Jillian Ward at Kapuso actress na si Carmina Villarroel.

Napapanood sila sa serye bilang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn (Jillian Ward).

Sunud-sunod na pagsubok at kaguluhan man ang nararanasan ng mag-ina, nananatili silang matatag para sa isa't isa.

Sa katunayan nga, natutuhan na rin ni Analyn na maging palaban.

Kung noon ay hinahayaan lamang niya ang mga pang-aapi sa kanya, ngayon ay natuto na siyang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang mga mahal niya sa buhay.

Silipin ang ilang larawan na nagpapakita ng katapangan ni Analyn sa gallery na ito.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.