Pagsuot ni Moira/Morgana ng wedding dress sa 'Abot-Kamay na Pangarap,' mabilis na nag-trending
Umani ng iba't ibang reaksyon ang eksena ni Moira/Morgana (Pinky Amador) sa episode na ipinalabas nitong Martes, September 3, sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Bukod sa comments at reactions, mabilis itong humakot ng million views sa social media.
Natunghayan sa eksena ang makulit na pagsulpot ni Moira/Morgana sa venue ng kasal nina Lyneth (Carmina Villarroel) at RJ (Richard Yap).
Habang hinihintay ng lahat ang pagdating ng bride na si Lyneth, labis na nagulat ang mga bisita nang biglang bumaba si Moira/Morgana mula sa isang bridal car. Nabigla at nagtaka rin ang lahat nang makita nila si Moira/Morgana na nakasuot ng wedding dress.
Bago pa manggulo sa kasal, agad siyang sinita at pinalayas nina T'yang Susan (Dexter Doria) at Josa (Wilma Doesnt).
Narito ang ilang reactions ng viewers sa pagsuot ni Moira/Morgana ng wedding dress.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 3.9 million views ang naturang eksena sa Facebook.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapan at award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: