GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap', mapapanood na rin sa GTV

By EJ Chua
Published July 16, 2024 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Labi ng OFW na nakitang patay sa kaniyang kuwarto sa Abu Dhabi, naiuwi na sa Iloilo
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap


Abangan ang award-winning medical drama na 'Abot-Kamay Na Pangarap' sa GTV!

Good news dahil may bagong handog ang GTV sa mga manonood.

Sa darating na Lunes, July 22, mapapanood na rito ang award-winning medical drama series na talaga namang pinag-uusapan ng TV at online viewers.

Ito ang Abot-Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Bukod sa kanila, tampok din sa serye ang mga aktor na sina Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Ken Chan, at marami pang iba.

Usap-usapan ngayon ang mga eksena ni Pinky habang nagpapanggap siya bilang si Morgana Go.

Sinusubaybayan din ng mga manonood kung paano muling nagiging palaban si Doc Analyn, ang karakter ni Jillian sa serye.

Si Doc Analyn ang pinakabatang doktor sa bansa na anak nina Lyneth at RJ (Carmina Villarroel at Richard Yap).

Samantala, bukod sa pagpapalabas nito sa GMA, mapapanood din ang Abot-Kamay Na Pangarap sa GTV, mula Lunes hanggang Sabado, 8:00 p.m..