GMA Logo Carmina Villarroel, Jillian Ward, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lyneth, mas nagiging palaban na?

By EJ Chua
Published April 3, 2024 2:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mga bumbero, naantala dahil sa ginawa ng isang rider | GMA Integrated Newsfeed
Guam delegation to arrive for Dinagyang Festival 2026
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel, Jillian Ward, Abot Kamay Na Pangarap


Abangan kung ano nga ba ang mga plano ni Lyneth sa hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Patuloy na nakasubaybay ang mga manonood sa karakter ni Carmina Villarroel sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Laging inaabangan ng fans ng hit medical drama series ang mga eksena ni Carmina bilang si Lyneth.

Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, mapapanood na may madidiskubre si Analyn (Jillian Ward) sa mga gamit ng kanyang ina na si Lyneth.

Makikita ng batang doktor ang isang baril.

Kaabang-abang sa serye kung gaano ikakabahala ni Analyn ang pagkakaroon ng baril ng kanyang ina.

Ano kaya ang binabalak ni Lyneth?

Sa sariling mga kamay ba niya kukuhanin ang hustisya para sa lahat ng nangyari sa kanya at sa mga taong malapit sa kanya?

Sa previous episodes ng serye, napanood ang mga kasamaan ni Carlos (Allen Dizon), ang lalaking akala ni Lyneth ay isang mabuting tao.

Narito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood ngayong Miyerkules ng hapon:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: