Richard Yap, may payo kay Zoey sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'
Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, March 13, 2024, napanood online ang kuwentuhan ng ilang kabilang sa cast ng serye.
Bago umere ang programa, napanood ang kumustahan nina Lyneth (Carmina Villarroel), Doc RJ (Richard Yap), at Doc Carlos (Allen Dizon). Isa sa kanilang mga napag-usapan ay si Zoey Tanyag, ang karakter ni Kazel Kinouchi sa serye.
Inalala nila ang ilang mga nangyari sa buhay ni Zoey.
Kasunod nito, nagbigay ng advice ang Kapuso Chinito actor na si Richard para sa karakter ni Kazel.
Payo niya, “Bilang ako as Richard Yap to Zoey, I think she has to realize that one wrong doesn't make another wrong right.”
“Dapat siguro na she has to come clean as Zoey para 'yung pagkatao niya maging buo,” dagdag pa ni Richard.
Inilarawan din ng aktor kung ano ang ilan sa mga pinagdadaanan ni Zoey.
Sabi niya, “Kasi nagsa-struggle siya kasi she is fighting the demons within her kasi parang she has to protect her mom and her dad.”
“Nado-draw in siya which is hindi character niya. Siguro rin ilabas na niya ang katotohanan,” pahabol pa ng aktor.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ito bukas, 2:15 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: