Geneva Cruz, Allen Dizon, Abot Kamay Na Pangarap
Courtesy: GMA Network
TV

Karakter ni Geneva Cruz sa 'Abot-Kamay Na Pangarap,' usap-usapan sa social media

By EJ Chua
Mas nakilala na si Irene Benitez sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'.

Sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, nakilala na ng mga manonood ang bagong karakter na si Irene Benitez.

Si Irene ang dating asawa umano ni Doc Carlos.

Ang aktres na si Geneva Cruz ang gumaganap bilang si Irene, habang si Allen Dizon naman ay kilala ng viewers bilang si Doc Carlos.

Mula nang mapanood si Geneva sa serye, naging maingay na ang kanyang karakter sa social media.

Umaani ngayon ng iba't ibang reaksyon ang pagbabalik ni Irene sa buhay ni Carlos.

Ang ilang viewers, kinakabahan na para kay Carlos dahil baka mabunyag na ang iba pa niyang mga sikreto.


Si Carlos ay asawa ngayon ng ina ni Analyn (Jillian Ward) na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Mabunyag na kaya ang mga itinatago ni Carlos kay Lyneth tungkol sa kanyang mga nakaraan?

Kasal nga ba si Carlos kay Irene?

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.