MMFF Best Child Actor Euwenn Mikaell plays Andoy in 'Abot-Kamay Na Pangarap'
Ang young Sparkle actor na si Euwenn Mikaell ang bagong guest star sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa latest episode ng serye, napanood si Euwenn bilang si Andoy, ang bata na nakausap ni Justine (Klea Pineda) sa isang Christmas event.
Natunghayan ng viewers ang kanilang eksena, kung saan nadapa si Andoy at tinulungan siya ni Justine na makatayo.
Inalok pa ni Justine si Andoy kung gusto ng huli na gamutin ang sugat na nakuha ng bata mula sa pagkakadapa nito habang tumatakbo.
Naging malalim at makabuluhan ang naging pag-uusap ng dalawa.
Napagkwentuhan nila ang tungkol sa kani-kanilang mga ina.
Matapos ang kanilang seryosong pag-uusap, dumating si Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.
Hindi inaasahan ni Justine na narinig pala ng batang doktor ang lahat ng payo niya kay Andoy.
Ang Sparkle star na si Euwenn ay isa sa lead stars ng Firefly, ang pelikulang itinanghal na Best Picture sa 49th Metro Manila Film Festival o MMFF.
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: