
Matapos ang isang taon na pag-ere ng kanilang serye na Abot Kamay na Pangarap, ibinahagi ng mga aktor nitong sina Jillian Ward at Ken Chan ang mga natutunan nila mula sa serye.
Sa interview nila sa GMA Regional Morning show na GMA Regional TV Early Edition, ibinahagi ni Ken na isa sa mga importanteng natutunan niya sa kanilang serye ay “to surrender everything to God.”
“Ganun si Doktora Analyn Santos e. Si Doktora Analyn Santos, bukod sa she's family oriented, 'yung pangarap niya, inaalay niya sa Panginoon and I think 'yun 'yung dapat na gawin natin,” paliwanag ng aktor.
BALIKAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAG-GUEST SA SERYE SA GALLERY NA ITO:
Sinang-ayunan naman ito ni Jillian, ang aktres na gumaganap sa karakter ni Doktora Analyn, at binigyan pansin ang mga eksenang nagdaddasal ito.
“Very faithful po si Analyn and kung mapapansin niyo po, talagang driven po siya dahil hindi niya po ginagawa ito para sa sarili niya, kundi ginagawa niya po ito para kay Nanay Lyneth, kay tatay niya,” sabi ni Jillian.
Dagdag pa ng Star of the New Gen ay natutunan din niya mula sa serye at sa kaniyang karakter ang pagiging matulungin sa kapwa, at pagiging dedicated sa ginagawa.
“Atsaka po talaga si Analyn, sa lahat po ng gagawin niya, pure po ýung intentions niya and naniniwala po ako na kapag pure po 'yung intentions mo, you will always win, kahit ano pa 'yan,” sabi ng aktres.
Panoorin ang interview nina Jillian at Ken dito: