GMA Logo Jillian Ward
Courtesy: jillian (IG)
What's on TV

Jillian Ward, pinagkaguluhan ng mga fans sa Batangas

By EJ Chua
Published October 20, 2023 6:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward


Dinumog ng fans ang pagdalaw ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa Batangas!

Habang dumadaan ang panahon, lalong minamahal ng napakaraming Pinoy viewers ang Sparkle star at tinaguriang Star of the New Gen na si Jillian Ward.

Kabi-kabila man ang kanyang proyekto bilang aktres, hindi pa rin nakakalimutan ni Jillian ang paglalaan ng oras para makita at makasama ang ilan sa kanyang fans.

Kamakailan lang, bumisita sa Batangas ang young actress.

Sa kanyang pagpunta rito, labis na ikinagulat ni Jillian ang pagdagsa ng kanyang mga tagahanga upang siya ay makita.

Sa Instagram stories, ibinahagi niya ang isang video, kung saan mapapanood na pinagkakaguluhan siya ng fans habang pabalik siya sa isang sasakyan.

Kahit halos maipit na siya habang naglalakad, kapansin-pansin pa rin ang natural smile ni Jillian.

Sa video na kanyang ibinahagi, mababasa ang text at mensahe ni Jillian para sa mga Batangeño na talaga namang nag-abang sa kanyang pagdating.

Sabi niya, “Maraming Salamat, Batangas.”

Samantala, kasalukuyang napapanood si Jillian sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kilalang-kilala siya ng mga manonood dito bilang si Analyn o Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa na mayroong mabuting puso.

Bukod pa rito, napapanood din si Jillian sa multi-awarded children's fantasy show na Daig Kayo Ng Lola Ko.