'Abot-Kamay Na Pangarap' star Jeff Moses reaches 1M views on TikTok
Ang 24-year-old actor na si Jeff Moses ang isa ngayon sa fast-rising Sparkle stars.
Napapanood si Jeff sa nangungunang drama series sa GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilalang-kilala siya sa serye bilang si Reagan Tibayan, isa sa mga kaibigan ni Dra. Analyn Santos, ang karakter na ginagampanan ni Jillian Ward.
Kamakailan lang, pumalo na sa 1 million ang followers ni Jeff sa kanyang TikTok account.
Mapapanood sa ilang videos na inupload niya sa TikTok ang dance videos niya kasama ang kanyang Abot-Kamay Na Pangarap co-stars.
Mayroon din silang kulitan moments ni Jillian at ang ilan dito ay humakot ng million views sa naturang video-sharing application.
Watch on TikTok
Samantala, sa Instagram naman, sa kasalukuyan ay mayroon nang 242,000 followers si Jeff.
Ang kanya naman official Facebook page ay mayroon nang 198,000 followers.
Patuloy na subaybayan dsi Jeff sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: