
Ngayong Huwebes, July 6, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, ikakagulat ni Doc Analyn (Jillian Ward) ang pagbisita ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya sa Eastridge Medical Hospital.
Sa bagong episode ng serye, tila mapapatunayan na beautiful inside and out si Doc Analyn.
Kaabang-abang ang pagkikita-kita sina Reagan (Jeff Moses), Harry (Raheel Bhyria), Mico (Michael Sager), at Doc Lyndon (Ken Chan).
Sabay-sabay silang magpapansin kay Doc Analyn at tila magkakagulatan ang lahat dahil sa kanya-kanya nilang dahilan kung bakit sila nagpunta sa ospital.
Kahit si Doc Lyndon ay labis na magtataka sa mga mangyayari.
Magkakagulo sa Eastridge at matutunghayan ng mga manonood kung paano pipigilan ng batang doktor ang pag-aaway ng mga binata.
Aamin na kaya silang lahat sa tunay nilang nararamdaman sa batang doktor?
May pag-asa kaya ang isa sa kanila na payagan ni Doc Analyn na manligaw sa kanya?
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood ngayong Huwebes sa video na ito:
Abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: