Abot-Kamay Na Pangarap: Doc Analyn, ipapakilala si Harry sa kanyang mga kaibigan
Ngayong Biyernes, June 2, sa bagong episode ng GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, matutunghayan ang pagkakamustahan nina Doc Analyn (Jillian Ward) at ng kanyang mga kaibigan.
Habang nasa U.S. si Doc Analyn, nag-aabang naman ang kanyang mga kaibigan sa latest update tungkol sa nangyayari sa kanya roon.
Hindi pa rin kasi sumusuko ang young at genius doctor sa paghahanap sa kanyang ama na si Doc RJ (Richard Yap).
Kaabang-abang sa episode na mapapanood mamaya na magiging masaya ang batang doktor dahil makakausap niya muli sila Nurse Karen (Eunice Lagusad), Nurse Evan (Alchris Galura), at ang matagal nang may gusto sa kanya na si Reagan (Jeff Moses).
Hindi dapat palampasin nang mga manonood kung mayroon nga kayang magaganap na selosan kapag ipinakilala na ni Doc Analyn si Harry sa kanyang mga kaibigan na kilala rin bilang Marites Squad ng APEX.
Ang karakter ni Harry ay binibigyang-buhay ng Sparkle heartthrob na si Raheel Bhyria.
Si Harry ang binatang anak ni Doc Carlos (Allen Dizon) na tumutulong kay Doc Analyn habang siya ay nasa ibang bansa.
Abangan ang mas kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: