richard yap
SOURCE: @sparklegmaartistcenter (IG) @iamrichardyap
TV

Richard Yap, sinorpresa ng kanyang pamilya sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By Abbygael Hilario
Happy 56th birthday, Richard Yap!

Ipinagdiriwang ng Kapuso star na si Richard Yap ang kanyang ika-56 na kaarawan ngayong Huwebes, May 18.

Para markahan ang kanyang espesyal na araw ay nagsabwatan ang kanyang pamilya, cast, at crew ng most inspiring drama series sa Philippine television.

Sa ibinahaging video ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, makikitang bumisita sa set ng Abot-Kamay Na Pangarap ang kanyang asawa na si Melody at mga anak na sina Ashley at Dylan.

Sa gitna ng pagte-tape ng isang eksena ay biglang pumasok ang kanyang pamilya habang bitbit nito ang dalawang cake at saka umawit ng “Happy Birthday.”

Labis naman ang kasiyahan ni Richard sa ginawang birthday surprise ng kanyang pamilya kung kaya't isa-isa niya itong binigyan ng matamis na halik at mahigpit na yakap.

Samantala, sa naturang medical series ay ginagampanan ni Richard Yap ang karakter ni Dr. Roberto "RJ" Tanyag, ang matalino at kilalang neurosurgeon na nagmula sa pamilya ng mga doctor na asawa ni Moira Tanyag.

KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'ABOT KAMAY NA PANGARAP' SA GALLERY NA ITO:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.