Abot-Kamay Na Pangarap cast
TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Dr. Lyndon, ipinagtanggol si Doc Analyn kay Doc Zoey

By EJ Chua
Paano nga ba ni-real talk ni Dr. Lyndon si Doc Zoey sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'? Panoorin DITO:

Sa episode ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap na ipinalabas ngayong Biyernes, May 5, natunghayan ang muling pagkikita nina Doc Analyn Santos (Jillian Ward) at Doc Zoey Tanyag (Kazel Kinouchi).

Matapos mabalitaan ni Doc Zoey na sa Eastridge Medical Hospital na nagtatrabaho si Doc Analyn, agad niya itong pinuntahan, hindi para kamustahin kundi para muling asarin.

Labis na nagulat ang batang doktor nang makaharap niya ang bully doctor sa loob ng bagong ospital na kanyang pinagtatrabahuhan.

Habang kung anu-ano ang sinasabi ni Doc Zoey kay Doc Analyn, hindi nila namalayan na napapakinggan na sila ni Dr. Lyndon, ang karakter ni Ken Chan sa serye.

Nang marinig niya ang pambu-bully ni Doc Zoey, agad niyang kinausap ito na para bang kilalang-kilala niya ang huli.

Buong akala naman ni Doc Zoey ay pupurihin siya ng doktor ngunit kabaligtaran pala ang mangyayari.

Bungad ni Dr. Lyndon (Ken Chan) kay Dra. Zoey, “Dra. Zoey Tanyag, you are really here. What brings you here at Eastridge?

Sabi ng doktora. “Kilala mo ako?”

Muling nagsalita si Dr. Lyndon at sinabing, “Ofcourse, sikat na sikat ka rito… Sikat na sikat ka rito because you're the daughter of Doc RJ Tanyag. At alam ko rin na nakapasok ka sa Neurology Residency Program ng APEX not because of your abilities but because of your family.”

Nang marinig ito ni Doc Zoey, wala na siyang nagawa kundi warning-an si Dr. Lyndon tungkol sa batang doktor.

Panoorin ang eksenang ito:

May pag-asa kayang maging magaan ang loob ni Dr. Lyndon kay Doc Analyn?

Abangan ang kasagutan sa susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA TAGAPAGTANGGOL AT SUPPORTERS NI DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.